Panday 2009

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.

Hango sa nobela ni Carlo Caparas, Jr at isang remake ng pelikula ni Fernando Poe, Jr. nuong 1981, muling masusundan ang pinagmulan at pakikipagsapalaran ni Flavio bilang tagapagligtas ng mundo. Nang sakupin ni Lizardo (Philip Salvador) at ng kanyang mga kampon ang mundo, kumapit na lamang ang mga tao sa pag-asang darating ang isang binata na magliligtas sa kanila at magpapabalik sa paghahari ng kabutihan. Sa Pulang Lupa, si Flavio (Bong Revilla) ay isang masigasig at matapat na panday na kasalukuyang nakatira kina Lolo Isko (Jonee Gamboa) at Bugoy (Robert Villar). Bagamat atubii, tinanggap ni Flavio na siya ng manlilgtas nang makita niyang nagiging espada ang punyal na gawa mula sa bumagsak na bulalakaw mula sa langit. Dali-dali niyang tinahak ang landas papunta sa kuta ni Lizardo upang mailagtas ang kanyang minamahal na si Maria (Iza Calzado). Lingid sa kanya ay sinundad siya nina Bugoy at Estelita (Rhian Ramos) na kapwa may maghanga at pagmamahal sa kanya. Samantala, ihinasik ni Lizardo ang kanyang mga kampon upang hadlangan ang pagdating ng panday at matuloy ang kasal niya kay Maria.

Bente Movie 2009

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.

Si Arnie (Jinggoy Estrada) ay isang batikang komentarista sa radyo na laging pinupunterya ng batikos ang Mayor (Emilio Garcia) na dati niyang kababata. Dahil dito, ipinag-utos ng Mayor na bantayan ang bawat kilos ni Arnie at inatasan niya ang mga tauhan niyang sina Ramon (Richard Gomez) at Caloy (Ryan Eigenmann) na gawin ito. Ngunit si Ramon ay may matinding pinagdaraanan – duda siyang may ibang lalaki ang kanyang asawa (Iza Calzado) at nais niyang malaman kung tama ang kanyang kutob. Habang sinusundan nila si Arnie ay mamatyagan din niya ang kanyang asawa. Sa kabilang dako naman ay sinusundan ng ibang grupo ang isang student leader na aktibista (Alfred Gatchialian) na malapit nang malaman ang susi sa pagkawala ng ilang aktibista at saksi sa anomalya. Higit na magpapalala pa sa kanyang sitwasyon ay pagbubuntis ng kanyang nobya (Glaiza de Castro) ngayong nakakatanggap siya ng maraming banta sa kanyang buhay. Paano nga ba mabubuhay ng payapa at tahimik sa isang lipunang kayang matyagan ng ibang tao ang bawat mong kilos at galaw?

Baler Movie 2009

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.

Taong 1898, panahon ng pananakop ng mga Kastila, nang sumibol ang pag-iibigan sa Baler ng dalagang si Feliza Reyes (Anne Curtis) at ng binatang si Celso Resurreccion (Jericho Rosales), isang mestisong sundalo sa pwersa ng mga Kastila. Pilit nilang ililihim ang kanilang pagmamahalan at pagniniig sapagka’t ang ama ni Feliza, si Nanding (Philip Salvador), ay kabilang sa mga armadong Pilipinong nag-aalsa laban sa mga Kastila. Matindi ang galit ni Nanding sa mga Kastila dahil sa karahasang ginawa ng mga ito sa kanyang ama at kapatid na babae, kung kaya’t tutol ito kahit sa nasang pagpapari ng kanyang anak na malapit sa mga prayle, si Gabriel. Darating ang pagkakataong mananaig ang lakas ng mga rebolusyonaryong Pilipino, tutugisin nila nang biglaan ang mga sundalong Kastila hanggang masukol ang mga ito at wala nang matatakbuhan kundi sa simbahan. Papaligiran ng mga sundalong Pilipino ang mga simbahan ngunit hindi susuko ang 57 Kastilang naroon bagama’t ang kanilang pagkain ay husto lamang sa loob ng tatlong buwan. Titiisin nila ang gutom, malaria, at ang kamatayan ng marami nilang kasamahan, habang naghihintay sila ng tulong mula sa hukbo nila sa Maynila. Lalakad ang mga buwan, tatanggapin na ng Espanya ang kanilang pagkatalo, ngunit hindi pa rin maniniwala dito ang mga sundalong Kastila na mistula’y nakakulong na sa simbahan. Kabilang sa mga sundalo sa loob ng simbahan si Celso, at nang hindi na ito makatiis, magkakasundo sila ng ilan sa kanilang mga kasamahan upang tumakas.

Pacquiao The Movie 2006

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.

Mula pa sa pagkabata ay matinik na sa suntukan si Manny Pacquiao (Jericho Rosales). Sa karamihan ng mga "napapatulog" sa suntukan ng mga bata ay napansin siya ng mga may interes sa boksing. Nahikayat siyang pumunta sa Maynila upang mabigyan ng kaukulang pagsasanay (training) at nang maging mahusay siyang boksingero pagdating ng panahon. Laban sa kagustuhan ng kanyang ina (Jaclyn Jose), nagtaanan ang batang si Manny (Jiro Manio) at sumakay ng bapor pa-Maynila. Nagpaalam lamang siya sa kanyang ama (Tirso Cruz III) na di naman maglalaon ay makikipaghiwalay na sa ina ni Manny. Nagpakita rin ng kakaibang sipag at tiyaga ang binatilyong si Manny sa kanyang trainer sa Maynila: may kusa sa kanyang mga Gawain sa bahay at may sikhay na kumita ng ikabubuhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang isang construction worker. Patuloy ang pagsikat ng bituin ni Manny hanggang sa siya'y inilalaban na sa ring. Hinangaan ang binata sa bawa't panalo niya. Dumating sa buhay niya si Jinky (Bea Lorenzo) na kanyang magiging kabiyak, subalit ayaw ito ng kanyang ina at mga kapatid.

Kailangang sabihin dito na ang Pacquiao the Movie ay hindi lubusang makatotohanan. Mismo sa dulo ng pelikula ay sinasabing base lamang ang pelikula sa buhay ni Pacquiao subalit dinagdagan ito ng mga tauhang at mga pangyayari—sa paniniwala nilang mapagyayaman nito ang talambuhay ng boksingero. Masalimuot ang takbo ng istorya sapagkat napakaraming flashback, bagay na nakalilito sa manunuod sapagkat ni hindi man lamang iniiba ang makeup ng mga artista upang ipakita ang paglakad ng panahon. Halimbawa, ang itsura ni Jaclyn Jose—bilang ina ng batang si Manny at ina pa rin ng boksingerong may sarili nang pamilya—ay hindi nagbabago. (Lagyan man lang kaya ng isa o dalawang guhit sa noo, ano? For the sake of authenticity!) Isa pa: Mula nang pumasok sa eksena si Jericho Rosales bilang Pacquiao na hindi pa kilala, hanggang sa siya'y maging world champion, ay ni wala ring pagbabago. (Sa tunay na buhay, nagpa-blonde pa nga si Manny Pacquiao ng ilang taon!) Isa pang katawa-tawang punto sa pelikula ay ang "hilaw" na Bisaya. Tagalog ba iyon na binisaya o Bisaya na tinagalog? "Halu-halong kalamay", ika nga. Marahil, para madaling maunawaan ng Bisaya man o Tagalog na manunuod. Anuman, mapapatawad na namin ang mga kakulangan ng pelikula sapagkat marubdob ang pagganap ng mga pangunahing tauhan. Feel na feel, ika nga. Sa kabila ng kakatwang tunog, kapani-paniwala pa rin si Bea, Jay Manalo, Jaclyn at Jericho. Lalo na si Jericho na pati mga manerismo ni Pacquiao ay kuhang-kuha.

Lagot Ka Sa Kuya Ko Movie 2006

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.

Si Alex (Ronnie Ricketts) ay isang "palaban" ngunit may ginintuang puso. Siya ang nagsisilbing 'Kuya' ng mga batang yagit, mga kabarkada niya at mga taong nangangailangan ng tulong. Nawalay siya siya sa kanyang ina nang ito'y nagpunta sa Amerika kaya natuto si Alex na mamuhay sa lansangan. Inilalaban siya na parang manok na pansabong at isa rin siyang taxi driver. Pumapayag siyang lumaban upang makalikom siya ng pera sa pagpapakasal niya kay Michelle (Mariz Ricketts). Ngunit sa kanyang pamamasada naka-enkwentro niya si Zandro (Carlos Morales) isang 'hired gun' na nakapatay ng isang Congressman at pinaghahanap na ng pulis. Nabaril din si Alex at sa kanilang muling pagkikita at pagtutuos, isa lang sa kanila ang mabubuhay.

Lagot ka sa Kuya ko ay isang sikat na 'rap song' na ginawan ng kuwento at isina-pelikula. Kaya ito'y parang isang halo-halo na puno ng sahog at kumpleto ang rekado. May labanan, kantahan, sayawan, iyakan, tawanan at kung anu-ano pa. Punong-puno din ito ng mga 'extra' na siguradong nakatulong sa mga artista ngunit tulad ng halo-halong makulay nga ngunit kulang sa gatas—malabnaw, matabang at walang linamnam ang pelikula.

Batas Militar Movie 2006

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.

Dahil sa nakita niya ang pagnanakaw ng mga armas ng mga kapwa niya opisyal sa military, pinapatay ang nakababatang kapatid (Meynard Lapid) ni Miguel (Mark Lapid). Kasabay nito inatake at namatay ang kanyang ina (Liza Alindogan) at tinanggal siya sa tungkulin pagkatapos hamunin ang ilang opisyal na pinaghinalaan niyang pumaslang sa kanyang nakababatang kapatid. Hatid ng masalimuot na mga pangyayari at labis na sama ng loob, ipinasya ni Miguel na maghiganti sa mga taong sangkot sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Makikilala naman niya ang isang pangkat na namumundok na anila'y nakikipaglaban lamang sa mga tulisan at masasamang loob ng gobyerno at kontra-gobyerno. Ang unang motibo ni Miguel na paghihiganti ay masasakop ng isang higit na mas malaking adhikain: ang ilantad ang katiwaliang nagaganap sa military. Sa kanyang paghahanap ng hustisya ay makakatunggali niya ang kanyang matalik na kaibigan (Mark Anthony Fernandez) at ang kanyang kasintahan (Tanya Garcia).

Sa kabuuan ay sayang lamang ang salaping ginugol sa pagbubuo ng pelikulang ito. Bagamat may potensyal sana ang ideya ng kwento ay hindi naman ito napagtuunan ng panahon at pagsisikap na mailahad ng maayos. Talon-talon ang pagkwekwento at napakaraming eksenang hindi naman kailangan. Maging ang paglulutas ay hindi pinag-isipan. Bilang isang action film, labis na mabagal at walang panggising sa damdamin mula sa mga eksena ng pakikipaglaban hanggang sa kabuuang takbo ng pelikula. Pangit lahat ng aspetong teknikal mula sa mapusyaw at over-exposed na pag-iilaw, ang tila baguhang sinematograpiya ang salu-salungat na pagdurugtong ng mga eksena, ang walang damdaming paglalapat ng musika at ang nakakabagot na pagganap ng lahat ng pangunahing tauhan. Mas mainam sana ay hindi na lamang ginawa ang pelikula dahil bukod sa nakaka-insulto sa pangangatwiran ang isinusulong ng tema ay nakakainis panuorin ang isang proyektong walang paghihirap na gawing pulido.

Apoy Sa Dibdib Ng Samar

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.

After years away, Daniel Giron (Mark Lapid), a Manila policeman comes home to Sta. Rita, Samar, just when his father (Roy Vinzon) also a lawman, has been killed, shot from behind. Daniel goes hunting for the culprits and meets up with the local officials and big shots: illegal logger Don Balderos (Dick Israel), the major who looks forward to a share of the income, and the police chief who is bribed to protect the logging enterprise. Giron's death is traced to the Don and his activities. Daniel is warned to keep off and away which is contrary to what he wants to do. His situation becomes further complicated by his romantic involvement with townmate and former schoolmate Katrina (Cristine Reyes), the logger's daughter.

In the attempt to include several matters, the story's development becomes complicated and unclear. The investigation into Giron's death turns up the illegal logging problem which messes up Daniel's pursuit of his father's killers. Besides he could not simply ignore the devastation of the town's forest. At the same time his relations with Katrina poses more danger to his personal safety. The main cast of Lapid and Reyes, at the best is visibly still amateurish. Oropeza, Vinzon and Israel play typecast roles with not enough opportunity to show their worth. At times the music tends to overwhelm the dialogue. The story does not focus sufficiently on what is its central idea.

Lisensyadong Kamao Movie 2005

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.

Magaling sa suntukan ang magbabalot na si Ambrosio Lerio, kilala bilang "Bruce" (Manny Pacquiao), kasintahan ni Fanny (Aubrey Miles). Maganda sana ang kanyang kinabukasan sa larangan ng boxing kundi lamang siya nasuspindi nang mamatay ang kanyang kalaban sa ring, gawa ng matinding tama ng kaniyang kamao. Ngunit hindi maitago ang husay niya rito, na nadiskubre ng mga pulis at mga istambay nang minsang mapaaway siya pagkat pinigil niya ang pagsusuntukan ng mga batang kalye na pinagpupustahan ng mga miyembro ng sindikato. Naging simula na ito ng pagkakakilala sa kanya ng maraming taong mahilig sa boxing, hanggang sa hawakan na siya at ilaban sa championship ng isang kilalang manager (Eddie Garcia). Higit sa lahat, kagustuhan ni Bruce na maipagamot ang may sakit na ina (Daria Ramirez) at ang bulag na kapatid, at maghanda ng magandang kinabukasan para sa kanila ni Fanny.

Hati ang Lisensyadong Kamao pagdating sa mga technical aspects ng pelikula. Maganda ang istorya at ang takbo nito. Mahusay ang pagkakakuha mga eksenang pang-boxing—ang pag-eensayo ng mga boksingero, ang mga pakikipagbabag ng mga istambay at mapang-api kay Bruce, atbp. May katapatan din ang pagarte ng mga tauhan, subalit hanggang doon na lamang. Pagkat mga amateur ang ilang mga artista (tulad ni Pacquiao), lumabas na pilit ang dialogue—halatang-halata na kinabesa lang ang mga linya pagkat bagama't walang mali, kulang naman sa damdamin ang delivery. Pati ang pagkilos minsa'y matigas at self-conscious ang dating.

Operation Balikatan Movie 2003

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Sa likod ng isang matipuno at pinagkakapitagang sundalo, si Rodrigo (Rey Malonzo) ay isang mapagmahal na ama at asawa. Ngunit higit pa ring matimbang sa kanya ang paglilingkod sa inang bayan kung kaya't nang siya ay ipatawag para sa panibagong misyon ay hindi siya nakatanggi bagama't labag ito sa kalooban ng kanyang asawa (Patricia Javier). Tumuloy si Rodrigo at sumama sa "Operation Balikatan," isang misyon kasama ang ilang sundalong Amerikano na may layong iligtas ang mga bihag na Amerikanong dinukot ng isang teroristang grupo sa Kota Kinabalu. Kaakibat ng misyon na ito ay ang pagsugpo sa terorismo. Habang siya'y nasa misyon, ang mag-ina ni Rodrigo ay pinatay ng isang grupong may galit sa kanya. Dito'y lalong nag-umigting ang kanyang galit at nagdesisyong ilaan ang kanyang buhay alang-alang sa kapayapaan ng sambayanang Pilipinas.

Bagama't may mabuting hangarin, isang nakababagot na pelikula ang Operation: Balikatan. Hindi maliwanag ang kabuuan ng kuwento dahil sa kakulangan nito ng sentro. Halos pandekorasyon lamang ang mga pangunahing tauhang tulad nina Patricia Javier at Eddie Garcia. Mas binigyang pansin pa ang ilang Amerikanong tauhan. Kakatwa ang daloy ng istorya at pawang pilit ang paglalagay nito ng elementong emosyonal mabigyang buhay lamang ang bidang sundalo. Ngunit naging malabis ang pelikula sa pagpapakita ng mga labanan. Masyadong mahaba at pawang walang patutunguhan ang maraming eksena ng pakikipaglaban ng mga sundalo sa mga terorista. Wala ring inihaing bagong solusyon ang pelikula ukol sa paglaban sa terorismo. Bagkus ay naging pawang simplistiko ang pagtrato nito sa isang masalimuot na problemang hinaharap ng ating bansa.

Lapu-lapu Movie 2003

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.

Magiting, matapang, at may malasakit na pinuno si Raja Lapu Lapu (Lito Lapid) ng Pulo ng Mactan. Dahil sa likas na yaman nitong pulo marami ang may nais na sumakop dito. Isa na si Rajah Humabon (Vic Vargas) at ang kanyang alagad na si Datu Zula (Roi Vinzon). Maraming beses na sinubukan sakupin ng mga kawal ni Raja Humabon ang pulo subalit sila ay laging bigo dahil sa pagkakaisa at pagmamahal ng mga taga Mactan sa kanilang "Isla" na ipinagtatanggol kahit kanilang ikamatay.

Nasa tugatog ng kanyang pamumuno si Lapu Lapu ng makilala niya si Prinsesa Bulakna (Joyce Jimenez) at ito ay kanyang naging kabiyak. Ang kanilang pagsasama ay tinanggap na malugod ng mga tao sa pulo.

Dumating ang panahon na may dayuhan na galingEspanya na pinamumunuan ni Fernando Magallanes (Dante Rivero), isang Portuguese. Siya ay binigyan ng kapangyarihan ni Reyna Isabela ng Espanya na maghanap ng mga bagong lupa na maaaring angkinin. Unang sinakop nito ang pulo ng Limasawa na pinamumunuan ni Raja Kulambo. Isinailalim ito sa bansang Espanya at bininyagan na maging Kristiyano. Sinamantala naman ni Raja Humabon at Datu Zula ang pagkakataon na magwagi laban kay Lapu Lapu sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa mga kastila na may lakas ng armas para sugpuin si Lapu Lapu. Subalit hindi nagpasakop si Lapu Lapu sa ngalan ng kalayaan.

Hula Mo Huli Ko Movie 2003

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.Kasalukuyang hinahanapan ng kalutasan ng grupo ng mga pulis imbestigador sa pangunguna ni Randy (Rudy Fernandez) ang krimen ng seryeng pagpatay sa mga pari, madre at pulis. Makakatulong nila sa imbestigasyon ang psychic-manghuhula na si Paula (Rufa Mae Quinto) na matagal ng may crush kay Randy. Biktima rin ng pamamaslang ang kapatid na madre ni Paula. Samantala, nilapitan din ng hepe ng pulisya ang Psychiatric na si Dr. Franco upang makatulong sa paglutas ng kaso at sa tulong ni Paula ay matutuklasan nina Randy na siya pala ang pinuno ng kultong Satanista at may kagagawan sa mga krimen ng pagpatay.

Ang pelikula ay isang ordinaryong pagtalakay ng paglutas ng mga pulis sa krimen ng patayan na nilagyan ng konting love story at pagpapatawa, at umaaktibong bugbugan at barilan. Simple lamang ang inilapat na tunog subalit magaling ang kaakmaan nito sa mga eksena. Hindi naman masyadong nabigyan ng sining ang sinematograpiya at kulang sa balanse ang mga kuha ng kamera. Maayos naman ang editingkung consistency ng istorya ang pag-uusapan at hindi naman masyadong nangangailangan ng effort sa pag-arte ang mga nagsiganap.

Ang Alamat Ng Lawin Movie 2003

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Like a powerful magnet in the sky, a huge ball of light hoists up and absorbs into itself four pre-teen kids, Rita (Cathy Villar), her brother Boy (Ken Kurillo), Kulas (Ryan Yamazaki) and Pepe (Franklin Cristobal). After a while, they are hurled down a beautiful land of wide expanse, luxuriant foliage and limpid waters. They realize this is a strange world when they encounter gigantic frightening creatures. In their confusion while escaping from these, the pair Pepe and Boy get separated from Rita and Kulas. Pepe and Boy witness the capture of Camilla (Ina Raymundo), a tribeswoman, by horned humanoids but by an ingenious trick manage to free her. Rita and Kulas see a gang of prisoners maltreated by their monster jailers. Lawin (Fernando Poe Jr.) one of the prisoners, rebels and attempts to help another prisoner, but to no avail. The four kids are reunited and are told by a voice from a lamp of their mission: to retrieve a magic "balaraw" or sword from the bottom of the lake. According to the legend, the sword is intended for Lawin and only he is destined to free the land and its tribes from the injustice and cruelty of the monster-rulers.

Ang Alamat ng Lawin is an enjoyable and entertaining fantasy/adventure movie for children but a letdown for avid FPJ fans who expect to see more of the reputed fighting prowess of their swashbuckling hero. The inclusion of four kids as little heroes may be an indication of the producer's intention to give priority consideration to children's interests. All newcomers, the child actors can be credited for trying to act out their roles well enough. However, with the exception of Fernando Poe Jr. and Ina Raymundo, most of the cast are amateurish. The fighting sequences and the swordsplay are reminiscent of the skirmishes in the traditional komedya or moro-moro. Nothing is expected to be real in the movie's make-believe world populated by creatures intended to be frightening but turn out to be mostly comical. The dialogue is awkward and the prosthetics blatantly artificial. There is a lack of appropriate sound effects. Like other FPJ movies, the story revolves around the exploits of a folk hero, but this time, it is given a little touch of magic. The beautiful scenic spots and landscapes exquisitely captured by excellent cinematography make every Filipino viewer feel proud of his country.

Alab Ng Lahi Movie 2003

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Tapos na ang digmaan laban sa Hapon. Tumanggi si Gregorio Magtanggol (Robin Padilla) na sumama sa kanyang mga kapwa-gerilya upang bumaba na mula sa bundok at tumulong sa military upang isaayos muli ang bayan. Ngunit dahil wala siyang tiwala sa namumuno sa grupong humihimok sa kanila, pinili ni Magtanggol na maiwan sa bulubundukin kahit mag-isa siyang tutulong sa mga mahihirap. Naibilang na 'wanted' na kriminal si Magtanggol, at may gantimpalang limampung-libong piso ang makakapatay sa kanya. Sa utos ni Heneral (Eddie Garcia), mahigpit siyang pinaghahanap ng mga sundalong pinamumunuan ni Tenyente Bartolome Zamora (Raymund Bagatsing), dating kasamahan ni Magtanggol sa laban. Ngunit lubhang madulas ang rebeldeng si Magtanggol, palibhasa'y magaling humawak ng baril, at saan man siya napapadaan, marami siyang naiiwanang bangkay ng mga sundalo. Nagtagpo ang landas ni Magtanggol at ni Yamato (Jacky Woo), isang sundalong Hapon na nagtatago rin sa pamahalaan, at lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa sa kabila ng kanilang magkasalungat na ideyolohiya.

Bro, Kahit Saang Engkwentro Movie 2002

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Military Sgt. Delfin Mijares (Eddie Garcia) and his junior Lt. Del Mijares (Ronald Gan Ledesma) have been successful in leading their troops against the insurgents in the countryside. As father and son are so effective working in partnership, they and their men are now called to work with the civilian authority on a more urgent mission: to neutralize the urban terrorists and economic saboteurs. Their main target is the biggest and most dangerous crime lord, Simon Ovarte called Ang Patron (Eddie Gutierrez). Will they be able to get their man, a dealer in narcotics, kidnap-for-ransom, gun-running and smuggling? Will father and son be able to accomplish their mission in the urban jungle?

The story starts off with two fire-fight scenes, one encounter led by the young lieutenant followed by the other with the sergeant in the lead. Four other battles come after these, escalating in violence according to their duration, the number of fighters involved and, the amount and size of artillery used. The plot suffers because of the long battle sequences. Sometimes it is difficult to say with whom the military is fighting and why there is no end of men on both sides coming into the battles. The delineation of characters and their roles is poor. The meager dialogue is either stilted or out of place. As a result, the acting is not much in evidence.

Batas Ng Lansangan Movie 2002

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Nang mabaril ni Major Ruben Medrano (FPJ) ang ilan niyang sundalo dala ng init ng ulo, siya'y sinuspinde. Umuwi siya sa kanilang bayan sa pag-asang mahuhuli at makapaghihiganti sa pumaslang sa kanyang mahal na kabiyak, na may mga limang taon na ang nakaraan. Sa kanyang pagbalik, malaki ang tampo ng kanyang kaisa-isang anak na si Marissa (Kaye Abad) dahil iniwan niya ito ng walang ha ni ho sa pag-aaruga ng kanyang hipag na si Mariel (Dina Bonnevie). Ang iniwan naman niyang bayan ay naging pugad ng droga, sugal, at kotongan ng mga namumuno. Kaya't ang unang planong paghihiganti ay nauwi sa kaliwa't kanang patayan sa pagtatanggol ng mga naliligaw at naaapi. Hanggang kailan kaya maiiligtas ni Major ang kanyang sarili sa maraming kalaban na nawalan ng dilihensya?

Ping Lacson Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Ping Lacson, Supercop pays "tribute" to Gen. Panfilo Lacson as a policeman, performed by Rudy Fernandez with Lorna Tolentino as his wife Alice. It gives a chronology of the major events which proves his skill and bravery in solving problems of national concern. This no-nonsense cop is revealed as a man with a soft spot for his family, his close associates in the police force, and has a weakness for his women assets, one of whom is Rowena (Glydel Mercado). As a cop, he never forgets the advice of his mentor: "Always instill discipline in your men without putting them down.

The story is trite and could be the portrayal of any ordinary brave cop, but it sensationalizes Ping Lacson. The only "attraction" of the film is the appearance of known performers Fernandez and Tolentino. Sometimes the background music is so loud it blurs the dialogue. The selected documentary footages employed to depict the past are so old and scratchy, that they diminish the technical merits of the movie. Joyce Bernal, considered as one of the youngest editors hereabouts, will excel in her trade given the right exposure.

Parehas Ang Laban Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Nasiraan ng bait at nakulong sa mental hospital ang sundalong si Vergada (John Regala) matapos ang pakikibaka sa Mindanao. Habang nasa ospital, nagbabaga ang pagnanasa nitong maghiganti sa kapwa sundalo niyang si Tenyente Valdez (Ian Veneracion), kaagaw niya sa pagmamahal ni Mildred (Daisy Reyes) na siyang naging asawa ng babae. Balitang "matinik" si Valdez, kaya't siya'y madaling napasok bilang pulis-Maynila na inaasahang tutugis sa mga batikang kriminal at lulutas ng mahihirap na kaso tulad ng bentahan ng droga at armas. Kasama niya sa mga assignment ang ilang tauhan niya, at sila'y napapailalim naman kay Emma Garcia (Angela Velez), ang babeng kapitan. Nakatakas si Vergada mula sa ospital at muling nagtagpo ang kanilang mga landas ni Valdez nang nagsimula si Vergadang pumatay muli ng bawat taong masumpungan nito.

Oras Na Para Lumaban Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Minasaker ang pamilya ni Mayor Sioson (Roy Alvarez). Sa kabila ng kanyang pagmamakaawa, ginahasa at pinaslang ang kanyang asawa at dalawang anak na babae sa kanyang harapan. Naging paralisado mula baywang pababa ang alkalde gawa ng karahasang tinamo sa mga masasamang loob. Dahil dito, umuwi mula sa Amerika ang kaisa-isa niyang anak na lalaking si Patrick (Gary Estrada). Sapag-aalaga sa amang nalumpo, at dala ng kalungkutan sa pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay, isinumpa ni Patrick na ipaghiganti ang kanyang pamilya, kaya't pinamagatang Oras na Para Lumaban ang pelikula. Mula sa sumpang ito umusbong ang katakut-takot na barilan, pagdanak ng dugo at patayan. Dito rin nagpasikot-sikot ang daloy ng istorya.

Ooops, Teka Lang Diskarte Ko To Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Robin Padilla plays Tenyente Dario, a young, principled and good-natured cop caught in a frame-up by his own superior. He is accused of insubordination and neglect of duty—an outright lie—and the resulting trial judges him unworthy of his job. Dishonorably discharged from the service, and feeling victimized by unscrupulous elements in the police force, he dumps his badge and his uniform to face an uncertain future as a civilian. He floats jobless and makes himself useful to his community by putting neighborhood bullies in place. Then he meets Marian (Claudine Barretto), a religious novice seeking the expertise of an investigator to shed light on kidnapping of her sister. After much resistance he accepts job, and here begins a new chapter in his life.

Ooops, Teka Lang… Diskarte Ko 'To is a movie for people who don't like to think about the movies they're watching. All they probably care about when they go to the movies is to watch the screen, be bombarded by the sounds, be amused by their film idols, and munch popcorn as they slouch in their chairs for two hours in airconditioned comfort. Truth to tell, there could be numerous such moviegoers in our midst, judging from the audience's cheering over the Ooops, Teka Lang… actors' antics, and its marketers' guts in showing the movie simultaneously in 100 theaters. The film has practically nothing to offer as an art form. It does follow a storyline but greatly lacks technical polish. If a movie could experience an identity crisis, Ooooops,teka lang… is it. It doesn't know what to make of itself. It is too violent to be a comedy, too spoofy to be a drama, too stagey to represent reality, too gimmicky to be taken seriously, and too contrived to succeed as art.

Kaaway Hanggang Hukay Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
AFP Col. Baltazar Soriano (Philip Salvador) cannot understand why, his close buddy and classmate at the PMA Carlos Ricarte (Edu Manzano) should turn to become his bitter enemy, seeking to destroy him.

After facing ambush attempts and confrontational gun fights with him, Bal visits retired army general Ricarte (Bob Soler) to help him understand his buddy's behavior. What he learns from Carlos's father and what transpires after that complicates the story. Baltazar is called by Lt. Col. George Montoya (Robert Arevalo) for two assignments: to neutralize Carlos who has become a top assassin for hire; and to take charge, with his partner Lt. Barbara Veloso (Ina Raymundo) of the security for the visiting prime minister from Singapore. Unknown to Baltazar however, Col. Montoya and his politician brother also commission Carlos to carry out certain orders, following their own agenda.

Hostage Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Jim (Cesar Montano), a marine, grieves over the death of his daughter who is shot by Robert Morales (Roi Vinzon), a corrupt congressman. Jim seeks justice for his daughter by plotting to kill him. His opportunity comes during a victory party of Morales with his wife Via (Amy Austria) and daughter Mabel (Moreen Guese) present. However, Jim's initial attempt to assassinate Morales fails. As several bodyguards relentlessly pursue him, Jim discovers the presence of Mabel in the get-away car who earlier hides at the backseat during a hide-and-seek game with her playmates. They evade the pursuers and hide in the house of Edwin (Bayani Agbayani) and his sister Gina (Kristine Hermosa). A bond develops between Jim and Mabel, even as he plots to get ransom money from Morales. This "hostage act" is his ploy to bring out Morales in the open and kill him. The final showdown between the adversaries takes place in an ice plant. Will Morales succeed in silencing Jim and destroy the videotape which will incriminate him as a gambling lord? Or will Jim be able to kill Morales to avenge his daughter's death and reveal to the authorities the congressman's true colors?

Dos Ekis Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Lingid sa kaalaman ng kanyang Lolo (Edduie Arenas), nagtatrabaho si Charisse (Rica Peralejo), bilang isang sexy dancer sa isang bar sa Maynila. Ang may-ari ng bar ay si Bunny (John Arcillas), isa sa mga galamay ni Dodi (Michael de Mesa), isang pinuno ng sindikatong may kinalaman sa iba't ibang uri ng krimen sa Maynila. Gawa ng di-mapigilang pagnanasang mapalapit kay Charisse, napasubo sa basag-ulo sa bar si Benito (Mark Anthony Fernandez), ang masugid na tagahanga ng mananayaw, at pinag-initan ito ni Bunny at ng kanyang mga alalay na maton. Sa pagtakas ng dalawa sa kaguluhan, ibinigay ni Charisse ang kanyang katawan kay Benito; sa kanya, ito ay pagtanaw ng utang na loob, ngunit sa lalaki na noon lamang nakaranas ng pagtatalik, ito'y pag-ibig na. Dito nagsimula ang isang napakahabang tanikala ng kaguluhan at patayan sa ngalan ng pag-ibig: pag-ibig sa laman at pag-ibig sa salapi.

Death Row Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
IUSTITIA et PAX (Justice and Peace)! Seen through the eyes of Sonny (Cogie Domingo), a wrongfully placed juvenile offender in Death Row, and Lolo Sinat (Eddie Garcia), a hardcore convict in his 70's, GMA Films brings to screen a heart-rending drama of the plight of felons set to die through lethal injection. This motion pictures brings us inside the walls of Philippine penal institution with all the system's inhumanity and politics, and their effects on its inmates both new (like Sonny) and old (like Lolo Sinat), most especially those destined for capital punishment.

Carta Alas, Huwag Ka Ng Humirit Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
It is the law versus a carnapping syndicate. Police Capt. Ted Cordero (Ace Vergel) heads the team, supported by Chief of Police, Col. Cynthia Moreno (Jean Saburit), the help of informer Melvin (Dick Israel) with the backing of the town police. The leader of the syndicate is Daks Imperial (Efren Reyes), the mayor's attorney. In a major police operation, everyone in the buyers' group is arrested; but no one among the carnappers is caught. In the confusion, the payment for the hot cars, kept in an attaché case, is picked up by Melvin, who decides to keep it. In Imperial's efforts to recover his money, the informer is killed, but no money is found. Cordero is implicated in his associate and "barkada's" death, and Andrea (Antonette Taus), Melvin's "inaanak" also becomes suspect because there is evidence that she has been present at the crime-scene. This complication and the efforts to find the evidence and witnesses to pin Imperial, keep Cordero's hands full.

Bukas Babaha Ng Dugo Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Si Sarhento Felix Mercado (Lito Lapid) ay nalinlang upang sumanib sa isang 'misyon' ng anim niyang kapwa-sundalo. Huli na nang malaman niyang ang naturang misyon ay pagdarambong ng bangko. Sa pakikipagsagupaan nila sa mga pulis, si Felix lamang ang nasugatan at nahuli. Nilitis siya sa hukuman at napatunayang nagkasala. Samantalang si Felix ay nasa bilangguan, nabatid niya na ang maybahay niyang si Norma (Via Veloso) ay ginahasa at pinatay ni Paulo (Emilio Garcia), ang nabigo nitong manliligaw. Bukod dito, ang kapatid ni Norma ay pinagsamantalahan din ng mga kasamahan ni Paulo. Nakatakas sa bilangguan si Felix at sinumpang maghihiganti.

Buhay Kamao Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Tinalikuran ni Pepe (Robin Padilla) ang pagboboksing nang mamatay ang kanyang Kuya Rico (Royette Padilla), isa ring boksingero, sa isang laban nito. Kasama ng kanyang ama ay nagsikap silang kumita bilang maggugulay. Subalit naaksidente ang kanyang ama habang nagmamaneho at ang may-ari ng nabunggo nitong sasakyan ay humihingi ng kabayaran upang hindi na ito magdemanda. Nangutang ng pang-areglo si Pepe sa kanyang kaibigang si Badong (John Lapuz) ngunit hindi siya makahanap ng pambayad nang kailangan na niyang bayaran si Badong. Dahil dito ay coach niyang si Poldo (Spanky Manikan) upang bigyan siya ng laban. Bago pa siya umakyat sa ring ay pumayag siya na ipatalo ang laban nang alukin siya ng isang "fixer" ng mas malaking halaga. Nang mabisto siya ni Vilma (Rica Peralejo), ni Poldo, ng mga kaibigan at mga tagahanga, lalo na ng batang si Dek Dek (Kristine Mangle), ay namulat ang mga mata ni Pepe sa kamaliang nagawa. Ano ang gagawin niya? Maibabalik pa kaya niya ang tiwala ng mga tao sa kanya?

Basagan Ng Mukha

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Magkababata si Gerry (Ronald Gan Ledesma), isang NBI agent at si Dodong (Manny Pacquiao). Madalas sagipin ni Gerry sa kapahamakan ang kaibigan dahil sa kanyang napakababaw na pananaw sa mga problema niya sa buhay. Minsan, sumali si Dodong sa mga pinupustahan na illegal streetfighting at doon natuklasan niya na may angking husay siya sa boksing. Matapos magtamo ng kaalaman at kasanayan sa boksing at mahasa ang kanyang kakayahan sa ilang ulit na paglaban sa ring, inihanda siya sa isang championship game na pakana ng mga sindikato ng game fixers. Magpapatalo ba si Dodong upang makuha ang inaaasam na malaking pera o ipaglalaban ba niya ang kanyang prinsipyo bilang isang boksingero?

Pagsamahin mo sa pelikula ang isang matinik nablackbelter at isang world boxing champion at siguradong mga umaatikabong eksena ng suntukan at tadyakan ang inyong makikita. Ang tambalang Ledesma at Pacquiao ay angkop na angkop para sa Basagan ng Mukha. Simple lang ang kuwento ng makatotohanang ipinakikita ang mga gawain ng underworld, subalitnagiging nakalilito ito dahil sa masamang editing. Marahi, upang hindi mapagod ang manonood sa mga karahasan sa kuwento, sinamahan ito ng isang mainit na bed scene, isang pamamaraan para maibenta ng prodyuser ang pelikulang ito. Kapuna-puna na sa napakaraming barilan sa kuwento, wala ni isang galos o tama ng bala ang mga bida!

Alas Dose Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
At first, Chief of the bomb squad Titus Verano (Cesar Montano) thinks that it is Carlos Alejo (Behn Cervantes), the rabid radical, who is behind the bombings taking place in the city. But he knows that the anti-government rebel has been in prison for some time. Soon enough, he gets calls from Remo Doce (Christopher de Leon), the present bomber, who says he is continuing the work of his master and trainor. At the same time, a bomb goes off in a school, hurting some children. This is Remo's way to convince journalist May (Sunshine Cruz), whose son studies there, to spring Alejo from his incarceration. Her father is the jail warden. For what reason does Doce want his mentor freed? Are all his terrorist acts directed towards his revolutionary objectives?

Bagong Buwan Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Napilitang umuwi ng Cotabato mula sa Maynila ang Muslim na doktor na si Ahmad (Cesar Montano) nang mapatay ng balang ligaw mula sa mga vigilantes ang kanyang anak na si Ibrahim. Hinamon din si ahmad ng kanyang kapatid na nakatatanda, si Musa (Noni Buencamino) na makipaglaban tungo sa paglaya ng Mindanao, ngunit ipinagmatigas ni Ahmad ang paninindigan niyang manggamot sa halip na pumatay ng kapwa. Upang ipagpatuloy ang kanyang gawain bilang isang doktor sa Philippine General Hospital at takasan ang kaguluhan sa Mindanao, sinikap himukin ni Ahmad ang kabiyak na si Fatima (Amy Austria) at ang inang si Farida (Caridad Sanchez) upang manirahan sa Maynila ngunit tumanggi ang mga ito. Napilitang manatili sa Mindanao si Ahmad sa piling ng kanyang pamilya, kasama ng pamangkin niyang si Rashid (Carlo Aquino) na sinasanay na maging mandirigma ng ama nitong si Musa, at ni Francis (Jiro Manio), isang batang katoliko nahiwalay sa mga magulang nang magkagulo gawa ng bombahan sa may palengke. Sa bagong papel niya bilang pinuno ng isang komunidad, natuklasan ni Ahmad ang paghihirap ng kanyang kapwa Muslim na sibilyan na lagi na lamang naiipit sa digmaan ng mga Moro at militar at tumatakas upang maghanap sa tahimik na matitirahan.

Bala Ko Bahala Sa'yo Movie 2001

Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Jeric Raval stars as Dio, a rather impulsive though well-meaning policeman with a tendency to take the law in his own hands. He and his sidekick Flavio (Dinky Doo, Jr.), a neophyte cop, try to play heroes at a bar shooting and kill a man in the crossfire. They get suspended and their firearms and badges are confiscated. Unstoppable in their itch to arrest crime, the trigger-happy pair—still under suspension and using "reserved" badges and guns—attempts to track down illegal money-making operators. And the action resumes.
Bala Ko, Bahala Sa 'Yo is a technical flop. Prepare to get dizzy following the close-up shots, and be ready to listen to unrehearsed dialogue. The music neither enhances nor distracts from the visuals—it simply has no power to create mood or even to be heard over all those gunshots. The story was written, it seems, for the sake of writing something, because although there is some semblance of a story, it carries no message that seems worth the money and effort pumped into the movie's production. As if that weren't enough, the story's credibility suffers even further from the injection of side remarks and gestures meant to be funny but which succeed only at annoying the viewer. Bala ko... offers a lot more action than acting—the unfortunate result of putting "stars" in front of movie cameras before they can even think of taking acting lessons.

Bagansya Movie (2001)

Watch pinoy action movies online.
Title: BAGANSYA
Running Time: 110 min
Lead Cast: Jeric Raval, Dan Fernandez, Patrick de la Rosa, Dindo Arroyo, Sharla Tolentino
Director: Pong Mercado
Producer: Lily Monteverde
Screenwriter: Glen Marcelo
Music: Nonong Buencamino
Editor: Roberto Vasadre
Genre: Action/Drama
Cinematography: Alma de la Pena
Distributor: Regal Films Entertainment
Location: Taal, Batangas

Nagmamadaling umuwi si Jack (Jeric Raval) pagkatapos mabili ang gamot para sa anak na may sakit. Nasalubong niya sa daan si Cordoba (Patrick de la Rosa) at mga kasamahang pulis na nakaenkwentro na niya sa welga. Pinigil siya para kunin ang konting perang natitira sa kanya at tinutukan siya ng baril. Sa kagustuhang makawala ay nakipag-agawan ng baril si Jack, aksidente itong pumutok at tinamaan ang isa sa mga pulis. Dahil dito ay nakulong si Jack. Sinaktan at pinuwersa siyang paaminin sa krimeng. Itinanggi niya ito at ipinagpilitang alam ng grupo ni Cordoba na wala siyang kasalanan. Makakalaya pa ba siya? Makakatulong ba ang asawang si Mina (Sharla Tolentino) sa kabila ng pagkamatay ng kanilang anak? Kung ang hepe ng pulisya ay kumakampi sa kanyang mga tauhan, meron pa ba siyang pag-asa?

About This Website

Pinoy movies featuring all action movies are featured on this wesite.