Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Dahil sa nakita niya ang pagnanakaw ng mga armas ng mga kapwa niya opisyal sa military, pinapatay ang nakababatang kapatid (Meynard Lapid) ni Miguel (Mark Lapid). Kasabay nito inatake at namatay ang kanyang ina (Liza Alindogan) at tinanggal siya sa tungkulin pagkatapos hamunin ang ilang opisyal na pinaghinalaan niyang pumaslang sa kanyang nakababatang kapatid. Hatid ng masalimuot na mga pangyayari at labis na sama ng loob, ipinasya ni Miguel na maghiganti sa mga taong sangkot sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Makikilala naman niya ang isang pangkat na namumundok na anila'y nakikipaglaban lamang sa mga tulisan at masasamang loob ng gobyerno at kontra-gobyerno. Ang unang motibo ni Miguel na paghihiganti ay masasakop ng isang higit na mas malaking adhikain: ang ilantad ang katiwaliang nagaganap sa military. Sa kanyang paghahanap ng hustisya ay makakatunggali niya ang kanyang matalik na kaibigan (Mark Anthony Fernandez) at ang kanyang kasintahan (Tanya Garcia).
Sa kabuuan ay sayang lamang ang salaping ginugol sa pagbubuo ng pelikulang ito. Bagamat may potensyal sana ang ideya ng kwento ay hindi naman ito napagtuunan ng panahon at pagsisikap na mailahad ng maayos. Talon-talon ang pagkwekwento at napakaraming eksenang hindi naman kailangan. Maging ang paglulutas ay hindi pinag-isipan. Bilang isang action film, labis na mabagal at walang panggising sa damdamin mula sa mga eksena ng pakikipaglaban hanggang sa kabuuang takbo ng pelikula. Pangit lahat ng aspetong teknikal mula sa mapusyaw at over-exposed na pag-iilaw, ang tila baguhang sinematograpiya ang salu-salungat na pagdurugtong ng mga eksena, ang walang damdaming paglalapat ng musika at ang nakakabagot na pagganap ng lahat ng pangunahing tauhan. Mas mainam sana ay hindi na lamang ginawa ang pelikula dahil bukod sa nakaka-insulto sa pangangatwiran ang isinusulong ng tema ay nakakainis panuorin ang isang proyektong walang paghihirap na gawing pulido.
No comments:
Post a Comment