Watch pinoy action movies online. No Video? Use Google Chrome and Microsoft Silverlight.
Sa likod ng isang matipuno at pinagkakapitagang sundalo, si Rodrigo (Rey Malonzo) ay isang mapagmahal na ama at asawa. Ngunit higit pa ring matimbang sa kanya ang paglilingkod sa inang bayan kung kaya't nang siya ay ipatawag para sa panibagong misyon ay hindi siya nakatanggi bagama't labag ito sa kalooban ng kanyang asawa (Patricia Javier). Tumuloy si Rodrigo at sumama sa "Operation Balikatan," isang misyon kasama ang ilang sundalong Amerikano na may layong iligtas ang mga bihag na Amerikanong dinukot ng isang teroristang grupo sa Kota Kinabalu. Kaakibat ng misyon na ito ay ang pagsugpo sa terorismo. Habang siya'y nasa misyon, ang mag-ina ni Rodrigo ay pinatay ng isang grupong may galit sa kanya. Dito'y lalong nag-umigting ang kanyang galit at nagdesisyong ilaan ang kanyang buhay alang-alang sa kapayapaan ng sambayanang Pilipinas.
Bagama't may mabuting hangarin, isang nakababagot na pelikula ang Operation: Balikatan. Hindi maliwanag ang kabuuan ng kuwento dahil sa kakulangan nito ng sentro. Halos pandekorasyon lamang ang mga pangunahing tauhang tulad nina Patricia Javier at Eddie Garcia. Mas binigyang pansin pa ang ilang Amerikanong tauhan. Kakatwa ang daloy ng istorya at pawang pilit ang paglalagay nito ng elementong emosyonal mabigyang buhay lamang ang bidang sundalo. Ngunit naging malabis ang pelikula sa pagpapakita ng mga labanan. Masyadong mahaba at pawang walang patutunguhan ang maraming eksena ng pakikipaglaban ng mga sundalo sa mga terorista. Wala ring inihaing bagong solusyon ang pelikula ukol sa paglaban sa terorismo. Bagkus ay naging pawang simplistiko ang pagtrato nito sa isang masalimuot na problemang hinaharap ng ating bansa.
No comments:
Post a Comment